-- Advertisements --

Nag-landfall sa ikalawang pagkakataon ang bagyong Marce.

Ayon sa PAGASA, nitong alas-9 ng gabi ay Huwebes ng maitalang mag-landfall ito sa Sanchez-Mira, Cagayan.

Huling nakita ang sentro ang bagyo sa karagatan ng Aparri, Cagayan na mayroong dalang lakas na hangin ng 175 kilometers per houst at pagbugso ng hanggang 240 kph.

Kasalukuyan pa ring nasa signal number 4 ang Cagayan kasama ang Babuyan Islands, northern Apayao, northern part ng Ilocos Norte.

Ibinabala pa rin ng PAGASA ang pagkakaroon ng storm surge sa loob ng 48 oras.

Inaasahan din na sa ikatlong pagkakaton ay magla-landfall ang nasabing bagyo.