Napanatili ng bagyong Marce ang lakas nito habang ito ay mabilis na gumagalaw sa mainland Cagayan-Babuyan Island Area.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 210 kilometer ng Silangan ng Aparri, Cagayan.
May taglay ito na lakas ng hangin na 155 kilometer kada oras at pagbugso ng hanggang 190 kph.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 4 sa Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan sa mainland Cagayan; at sa Camiguin island.
Habang nasa TCWS number 3 ang mga lugar ng : Mahatao, Uyugan, Basco, Ivana, Sabtang sa Batanes, natitirang bahagi ng Babuyan Islands, natitirang bahagi ng Cagayan, Apayao; Pagudpud, Dumalneg, Adams, Bangui, Burgos, Vintar, Carasi, Pasuquin sa Ilocos Norte.
Nasa TCWS number 2 naman ang mga lugar ng: San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan sa Isabela; Abra, Kalinga, Mountain Province; Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan sa Ifugao, natitirang bahagi ng Ilocos Norte.
Kasama rin ang mga Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Narvacan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, City of Candon, Salcedo, Galimuyod, Santa Lucia, Gregorio del Pilar, Quirino, Sigay, Cervantes, Suyo, Santa Cruz sa Ilocos Sur.
Habang nasa TCWS 1 ang mga lugar ng natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, natitirang bahagi ng Ifugao, Benguet, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya; Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler sa Aurora; Caranglan sa Nueva Ecija; Santa Cruz at Candelaria sa Zambales.
Sa loob ng 12 oras ay inaasahang nasa karagatan na ito ng Cagayan bago mag-landfall sa mainland Cagayan, Ilocos Norte at Apayao mamayang hapon o hanggang umaga ng Nobyembre 8.
Inaasahan din na lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa gabi ng Biyernes.
Pinapanatili ng PAGASA ang mga ahensiya sa nasabing lugar na maging handa dahil sa mga mararanasang matinding buhos ng ulan.