-- Advertisements --

Nilinaw ng Pagasa na walang direktang epekto sa Pilipinas ang bagyong namataan sa layong 1,300 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

Tinawag ito ng Pagasa bilang tropical depression Marce, na pang-13 bagyo para sa taong ito.

May taglay itong hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Sa obserbasyon ng Pagasa, walang gaanong naging pag-usad ang bagyo sa mga nakalipas na oras.

Samantala, isang low pressure area (LPA) din ang namataan sa layong 75 km sa hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar.