-- Advertisements --

Patuloy ang pagbibigay tulong ng singer na si Marcelito Pomoy sa mga mahihirap.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapagawa niya ng bahay sa ilang mga hikaos sa buhay.

Isa sa napagawan niya ng bahay ay si Aurora Verona, naawa ito sa ng makita niya ang kalagayan ng ipost ito ng mga netizen sa social media.

Matapos ang pagsali nito sa “America’s Got Talent” ay pinagawan niya agad ng bahay ang lola na gawa sa pawid at kawayan.

Ibinunyag pa niya, na ito na nag pangatlong bahay na kaniyang pinagawa sa mga labis na hirap sa buhay.