-- Advertisements --

Sinimulan na ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang paghahanda para sa 14th year ng Earth Hour ngayong Marso.

Nabatid na tuloy ang nakagawian nang event tuwing Marso sa kabila ng pakikipaglaban pa rin ng maraming bansa, kabilang ang Pilipinas, sa Coronavirus Disease.

Sa isang panayam, inihayag ng 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro na nakakapanibago ang production sa Earth Hour sa gitna ng “new normal” kung saan sa bahay lang ito nag-recording at walang live audience.

“It really makes my heart swell thinking that I get to be a part of this movement that spans the entire globe,” dagdag nito sa panayam ng World Wildlife Fund (WWF).

Magsisilbing co-star ng pangatlong Pinay Miss Universe sa special show ng Earth Hour Philippines ay ang Megastar daughter na si KC Concepcion.

Samantala, nagpasalamat naman ang World Wildlife Fund kay Wurtzbach na pumayag na maging speaker hinggil sa environmental issues kahit ito ay high profile celebrity.

“We’ve brought together our celebrity ambassadors and experts to talk about some of the most pressing environmental issues, and the steps we can take to address them,” wika ni Chezka Guevarra na siyang WWF-Philippines assistant manager for external communications, sa ABS-CBN.

Noong nakaraang taon sa parehong buwan, pinairal ang physical distancing at mayroong ding mga bansa na idinaan “digitally” ang kanilang mensahe hinggil sa pagprotekta sa Inang Kalikasan at paglaban sa global warning.

Ngayong taon naman, isasagawa ang Earth Hour sa darating na March 27, Sabado kung saan isang oras pa ring magpapatay ng ilaw mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi.