-- Advertisements --

Mas nakatutok na ngayon si Pinoy boxer Eumir Marcial sa kaniyang professional career.

Kasunod ito sa kabiguan niyang makakuha ng medalya sa nagdaang Paris Olympics.

Sinabi nito na may nakalinya ito ng laban sa buwan ng Disyembre kung saan maipagmamalaki siya ng bansa.

Paglilinaw naman nito na hindi niya isinasara ang kaniyang pintuan na makakuha ng gintong medalya sa Olympics.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroon itong limang panalo at wala pang talo ang Zamboanga City-born boxer.

Ang huling laban ay noong Marso ng patumbahin si Thoedak Sinam ng Thailand na siyang nagdala sa kaniya para sumabak sa Paris Olympics.