-- Advertisements --

Nakatakdang magsanay sa USA Olympic Boxing Training Center si Pinoy boxer Eumir Marcial.

Sinabi ni Association of Boxing Alliance of the Philippines secretary-general Ed Picson na posibleng makasama nito ang ilang Olympic bound boxer gaya nina Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam kapag payagan sila ng USA boxing.

Patungong Thailand sana ang 2019 World Championship middleweight silver medalist pagkatapos ang laban nito sa ASBC Championship sa Dubai subalit naghigpit ang Thailand sa mga dayuhan kaya minabuting ipagpaliban na lamang.

Hindi kasi nakakuha ng Thai Visa si Marcial kaya sa kabutihang palad ay nakita ni Picson ang pagkakataon na makapagsanay ito sa Colorado, USA.