-- Advertisements --

Naghayag ng kahandaan si Filipino boxing champion Eumir Marcial para sa kauna-unahang professional fight niya sa darating na Disyembre 16.

Makakaharap niya sa nasabing laban ang American fighter na si Andrew Whitfield na gaganapin sa Microsoft Theater sa Los Angeles.

Eumir Marcial
Eumir Marcial

Ayon kay MP Promotions president Sean Gibbons, na isa lamang itong unang bahagi sa pagiging professional boxer nito.

Mayroong tatlong panalo at isang talo ang 29-anyos na si Whitfield na huling laban nito ay noong Nobyembre 2019 ng talunin si Adam Smith sa pamamagitan ng decsion.

Magugunitang pumirma ng anim na taon na kontrata si Marcial sa MP Promotions noong Hulyo at nagtungo sa US noong Oktubre para sa training sa ilalim ni Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles.

Naniniwala si Gibbons na magiging isang magandang laban ang paghaharap ng dalawa.

Huling lumaban si Marcial ay noong Marso ng magwagi siya sa Asia-Ocenia Olympic qualifiers.