Hindi inasahan ni Marco Alcaraz na tatamaan siya ng Coronavirus Disease (COVID).
Ayon sa 40-year-old actor, nagpositibo siya sa swab test pero negative result naman nang magpa-saliva antigen at swab antigen test naman siya.
Gayunman, pinili nitong sumailalim sa quarantine at isolation kung saan apat na tulog na lang aniya ay makakauwi na uli siya sa bahay nila ng asawang beauty queen turned actress wife na si Precious Lara Quigaman.
Sa kanyang video blog, inamin nitong unang nagpositibo sa deadly virus ang kasama nila sa trabaho habang negatibo naman ang kasamahang aktor.
Buti na lang aniya at asymptomatic siya o walang masamang nararamdaman.
Inilaan ni Marco ang kanyang oras sa pagdarasal, fitness, at pag-video call sa pamilya.
“Be strong and be safe,” ani Alcaraz.