Kinumpirma ni Marco Belinelli na maglalaro ito para sa Italian national basketball team na lalahok sa 2019 FIBA World Cup sa China.
Pahayag ito ni Belinelli matapos ang kanyang pakikipag-usap sa mga opisyal ng Italian Basketball Federation, at kay head coach Romeo Sachetti.
“After we qualified I spoke with Gianni Petrucci (president of Italian Basket Federation) and with Sacchetti a few days ago. I discussed with my teammates as well. We are all happy,†wika ni Belinelli.
“We know the bar is high now. Our dream is to achieve something important with the national team. I confirm my participation,†dagdag nito.
Huling naglaro para sa Italian squad ang 33-year-old San Antonio Spurs veteran sa 2017 EuroBasket.
Inaasahang palalakasin ni Belinelli ang koponan ng world No. 13 sa nasabing torneyo, kung saan kasama nila sa Group D ang Pilipinas, isa pang European powerhouse na Serbia, at Angola.
Mayroong average na 10.5 points at 2.5 rebounds ang 6-foot-5 shooting guard at mayroong 37% shooting mula sa three-point range sa paglalaro nito sa Spurs sa NBA regular season.