-- Advertisements --
May malaking pananagutan sa batas sina Deputy Speaker Rodante Marcoleta at Anakalusugan Rep. Mike Defensor dahil sa ginawa nilang pamamahagi ng Ivermectin drugs sa Quezon City.
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na malinaw na hindi pa tuluyang inaprubahan ng Food and Drugs Administration ang paggamit ng nasabing gamot.
Sa simula pa lamang aniya na ang nasabing gamot ay hindi rehistradong gamot laban sa COVID-19 dahil ito ay ginagamit sa paggamot sa mga hayop.
Nauna rito binigyan ng otorisasyon ng FDA ang ilang pagamutan na magbigay ng Ivermectin sa kanilang mga pasyente na mayroong sintomas ng COVID-19.