-- Advertisements --

Sa ilalim ng panukalang P6.35 trillion national budget para sa fiscal year 2025 o ang National Expenditure Program (NEP) ay naglaan ng P4.56 billion ng confidential and intelligence funds sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Batay sa NEP ang nasabing P4.56 billion, ang confidential funds ay nasa P2.25 billion habang P2.31 billion naman para intelligence fund.

Ang nasabing panukalang CIF ng office of the President at kahalintulad lamang ito nuong 2024 budget.

Sa kabilang dako, nagpaliwanag naman ng DBM kung bakit bumaba sa dalawang bilyon ang CIF para sa 2025 national budget.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, limitado lamang sa iilang departments at ahensiya ng gobyerno ang binigyang ng confidential at intelligence funds (CIF).

Sinabi ni Pangandaman ang Confidential at Intelligence Funds (CIF) para sa 2025 ay nasa P10.285 billion kumpara nuong 2024 na nasa P12.378 billion.

Samantala, nasa P10.4 billion ang hiling na budget ng Office of the President para sa 2025, bumaba ito ng halos P200 million kumpara nuong 2024 budget.

Habang ang Office of the Vice President hindi humiling ng CIF para sa 2025.

Maging ang Department of Education, ay hind rin humiling ng CIF.

Naging kontrobersiyal ang P150-million confidential and intelligence funds ng OVP at DepEd nuong 2022.