Hinimok ni Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares ang Marcos administration na gumawa ng mga konkretong hakbang para maibalik ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Sa isang statement, sinabi ni Colmenares na dapat na umanib muli ang PH sa international tribunal kasunod ng preliminary hearing sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kung saan inilarawan ni Colmenares ang naging paghawak ng ICC bilang patas, direkta at nakapokus sa layunin nito nang hindi nadidiskaril ng diversionary tactics.
Dapat din aniyang magsilbing wake-up call sa kasalukuyang liderato ang nagpapatuloy na ICC proceedings laban sa dating Pangulo.
Ang pag-anib umano sa ICC ay isang hakbang para matiyak ang hustisiya para sa libu-libong mga biktima ng extra-judicial killings at kanilang pamilya.
Iginiit din ni Colmenares na isang mahalagang institusyon ang ICC para matiyak na walang sinumang head of state ang makalusot sa mga pananagutan sa mga malubhang paglabag sa mga karapatang pantao.
Dapat din aniyang bumalik ang PH sa ICC para protektahan ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino.