-- Advertisements --
PBBM UNGA

Naglaan ng malaking bahagi ang administrasyong Marcos kaugnay sa ekonomiya ng bansa para sa pagpapaunlad ng imprastraktura gayundin ang pagtaas ng badyet para sa agrikultura at pangangalaga sa kalusugan.

Sa pahayag na inilabas ng Office of the Press Secretary (OPS), binanggit ang nagawa ng Department of Budget and Management (DBM).

Ang departamento ay naglaan ng 5% hanggang 6% ng taunang gross domestic product (GDP) sa ilalim ng mga programang “Build Better More”.

Gayundin, upang mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima, sinuportahan ng Budget department ang National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Renewable Energy Development Program ng Department of Energy (DOE).

Ayon sa DBM, naglaan din ito ng malaking halaga sa 2023 national budget para sa mga climate-related expenditures.

Nakalista din sa mga nagawa ng DBM ngayong taon ang agresibong digitalization nito alinsunod sa agenda ni Pangulong Marcos.

Sa ilalim ng digitalization thrust nito, pinalawak ng DBM ang Action Document Releasing System (ADRS) at isinagawa ang Unified Reporting System (URS) Encoding sa mga regional office nito

Ang Budget department ay na-digitalize din ang Public Financial Management Program at ang Learning Management System (LMS).