Nakatutok ang gobyerno sa pagpapalakas ng transport system ng bansa ng sa gayon dumami ang investor.
Ito ang Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ginanap na Indo-Pacific Business Forum na dinaluhan ng mga banyagang negosyante sa rehiyon.
Ayon kay Pangulong Marcos bagamat hindi pa nakakamit ng Pilipinas ang seamless smart transportation subalit may mga malawak na programa at proyekto ang pamahalaan para mapabuti ang transport system ng bansa na maging episyente, accessible sa lahat ng mga mananakay.
Inihayag ng Pangulo na kanila na rin kinukunsidera ang paggamit ng mga bagong teknolohiya sa transportation system.
Sa ngayon inaayos na ang mga daan, railways, pantalan at airport.
Naniniwala naman si Pangulong Marcos na malaking bagay sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa na mapabuti ang transport system ng bansa.
Patuloy na hinimok ng Pang. Marcos ang mga banyagang negosyante na maglagak ng investment sa Pilipinas.
Siniguro ng Presidente sa mga negosyante na fully committed ang gobyerno na suportahan at i facilitate ang kanilang negosyo sa bansa.
Nais din ng Pangulo na bumuo ng mga transportation projects na akma sa pangangailangan ng publiko at mga negosyo.