Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggunita sa ika-28 anibersaryo ng 1996 Final Peace Agreement kasama ang Moro National Liberation Front o MNLF na ginawa sa Malacanang.
Sinabi ng Pangulo hindi naging gayung kadali ang pagtahak para makamit ang kapayapaan na aniyay produkto ng maraming pag- uusap hanggang sa matamo ang inaasam asam na peace agreement, 28 taon na ang nakakaraan.
Binigyang diin ng Pangulo na desidido ang pamahalaan na mapanatili ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagkakaruon ng internal resolution sa alinmang internal armed conflict na possibleng bumangon.
Dagdag ng Pangulo na sa ilalim ng Bagong Pilipinas ay wala ni Isa man ang maiiwan.
“Rest assured that you can depend on this Administration to implement all signed peace agreements for the security, [the] inclusive progress, and stability not only in Mindanao but throughout [our] country,” pahayag ni President Marcos.
Ipinapatupad din ng gobyerno ang Transformation Program upang maiangat ang sosyo-ekonomikong kondisyon ng mga MNLF combatants, kanilang mga pamilya, at mga komunidad.
Hinihimok naman ng Pang. Marcos, ang iba’t ibang sektor na patuloy na makipagtulungan sa lahat ng stakeholder sa rehiyon tungo sa isang accountable, transparent, at people- nakasentro ang pamamahala sa Bangsamoro.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga kasangkot na makibahagi sa isang bukas at nakabubuo na diyalogo sa mga instrumentalidad ng gobyerno upang talakayin ang mga karanasan at hamon ng mga tao sa Mindanao upang makabuo ng mga tumutugon na patakaran.