Todo panawagan ang ilang transport group na kailangang i-revise muna ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan bago ito tuluyang maipatupad.
Ayon sa ilang transport group magdudulot lamang ang programa ng lalung paghihirap sa maliliit na driver at operator.
Sa ilalim ng PUV modernization program, ang mga tradisyunal na pampasaherong jeep ay aalisin na sa kalye o ipatutupad na ang jeepney modernization sa pagsapit ng Hunyo 30 kung hindi ito papasok sa kooperatiba.
Una nang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang memorandum circuler 2023-013 na nagsasaad na ang mga traditional jeepneys na sasali sa “consolidated entities tulad ng kooperatiba o korporasyon ay magkakaroon ng provisional authorities na extended hanggang December 31, 2023. Ang consolidated entities ay dapat mag loan ng modern electronic jeepneys sa mga financial institutions.
Sa ilalim naman ng Department of Transportation›s Department Order 2017-011 o Omnubus Franchising Guidelines, mandato ng traditional jeepney operators na isuko ang kanilang individual franchise para sumama sa isang Fleet Management System na nag-uutos sa kanila na bumili ng 15 imported minibus kada ruta na ibibigay sa kanila