-- Advertisements --

Patuloy ang gobyerno ng Pilipinas sa pamumuno ng administrasyong Marcos Jr. sa paggawa ng mga hakbang upang malabanan at mapababa ang kaso ng cervical cancer sa mga kababaihang Pilipino.

Kaugnay nito ay patuloy ang pamahalaan sa pamamahagi ng mga bakuna kontra sa naturang mga sakit ngayong 2025.

Tinitiyak rin ng gobyerno na sapat ang pondo ng para sa pamamahagi ng libreng human papilloma virus (HPV) vaccine na siyang panlaban sa naturang sakit.

Ang bakuna ay itinuturok naman sa mga kababaihan partikular sa mga kabataang babae na may edad siyam na taong gulang.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan na mapalakas ang kanilang mga hakbang sa pagbibigay proteksyon sa mga kababaihan laban sa cervical cancer.

Paliwanag ni Herbosa na malaking bagay iting libreng vaccine dahil kung bibilhin ay mahal ito.

Batay sa datos , umaabot sa apat na libong piso ang presyo ng Isang dose ng HPV vaccines sa mga botika.

Sa pamamagitan nito ay inaasahan ng ahensya na bababa na ang kaso ng cervical cancer sa Pilipinas.