Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglikha ng isang inter-agency committee na may tungkuling tugunan ang inflation at pahusayin ang mga hakbangin upang mapabuti ang ekonomiya ng bansa, ayon sa Presidential Communications Office (PCO)
Ayon sa PCO, ang Executive Order No. 28, na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Biyernes, ay nagsasaad na ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) ay magsisilbing advisory body sa Economic Development Group (EDG) sa mga hakbang na papanatilihin ang inflation, lalo na ng pagkain at enerhiya, sa loob ng government’s inflation targets.
Gayundin, sinabi nito na muling inayos at pinalitan ng EO ang Economic Development Cluster (EDC) bilang EDG, na binanggit ang pangangailangan na siguraduhin na ang pagsasama-sama ng mga programa, aktibidad, at priyoridad tungo sa patuloy na paglago ng ekonomiya ay nananatiling mahusay at epektibo.
Dahil sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular na ang mga mapagkukunan ng pagkain at enerhiya, ang paglikha ng isang advisory body sa EDC, na naatasang direktang tugunan ang inflation, ay magpapalakas sa EDC, at magpapatibay sa mga umiiral na inisyatiba ng pamahalaan na naglalayong mapabuti ang ekonomiya at ang kalidad ng buhay ng mamamayang Pilipino. a
Ang ekonomiya ng Pilipinas, na sinusukat sa gross domestic product (GDP) o ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa isang partikular na panahon, ay lumago ng 6.4% mula Enero hanggang Marso 2023.