-- Advertisements --

Kasado na sa House of Representatives ang panukala na magdedeklara tuwing Setyembre 11 bilang non-working holiday sa Ilocos Norte upang alalahanin ang birth anniversary ng dating panguylo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos.

Sa botong 197 na affirmative, 9 na negative at isang abstention ay inaprubahan na ng mababang kapulungan sa Kamara ang House Bill No. 7137 bilang “President Ferdinand Edralin Marcos Day” sa Ilocos Norte.

Iniakda ang naturang panukala nina Ilocos Norte 1st District Rep. Ria Fariñas, Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba at Probinsyano Ako Rep. Rudys Caesar Fariñas.

Taong 2017 nang iproklama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Setyembre 11 bilang special non-working day sa Ilocos Norte para gunitain ang kaarawan ni Ferdinand Marcos.

Nakasaad sa proclamation 30 na bibigyan ng oportunindad ang mga Ilokano na bigyang pugay ang naging buhay at ambag ni Marcos bilang World War II veteran, distinguished legislator at dating presidente ng bansa.