Nanguna si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa presidential at vice presidential survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc.
Mayroong 51.9 percent ang nagsabing nais nila si Marcos na maging pangulo.
Ang nasabing resulta ay mas mataas ng 2.6 percent mula sa 49.3 na isinagawa noong 3rd quarter.
Sumunod sa kaniya si Vice President Leni Robredo na mayroong 20.2 percent, Manila Mayor Isko Moreno na mayroong 7.9 percent, Senator Bong Go na mayroong 3.9 percent , Sen. Panfilo Lacson na mayroong 3.4 percent at Sen. Manny Pacquiao na mayroong 2.3 percent.
Sa pagka bise-presidente ay mayroong 54.8 percent sa mga respondents ang nagsabing nais nilang maging ikalawang pangulo ang alkalde ng Davao.
Sinusundan siya ni Dr. Willie Ong na mayroong 11.2 percent, Senate President Vicente Tito Sotto III na nakakuha ng 11 percent, Sent. Kiko Pangilinan na mayroong 9.7 percent.
Si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na mayroong 1.5 percent at Professor Walden Bello na mayroong 0.7 percent.