Target palakasin pa ng Marcos government ang sektor ng agrikultura dahilan para dinagdagan ang pondo ng Department of Agriculture (DA).
Nasa kabuuang P184.1-billion ang panukalang pondo ng Marcos administration para sa Department of Agriculture sa taong 2023 kung saan nasa 39.2% itong mas mataas mula sa kasalukuyang 2022 budget.
Sa budget message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na ang dagdag pondo para sa kagawaran ay upang palakasin ang sektor ng agrikultura, suportahan ang local farmers at fisherfolks at tiyakin ang food security ng bansa.
Bahagi ng pondo ang P12 billion para sa Buffer Stocking Program ng National Food Authority (NFA) kung saan bibili ng P631.579 million metric tons ng palay mula sa local farmers matapos itaas ang buffer stock capacity sa 12 araw mula sa dating 9 na araw.
Nasa P13.1-billion naman ang inilaan para sa konstruksyon at rehabilitasyon ng farm-to-market roads sa buong bansa.
Upang matiyak na sapat ang suplay ng bigas sa abot kayang halaga, itinaas ang pondo para sa rice production sa ilalim ng national rice program mula P15.8-billion na kasalukuyang pondo sa P30.5-billion para sa 2023 kung saan P19.5-billion ay para sa fertilizer support.
Nakapaloob din sa budget ng DA ang P1- bilyong fuel assistance program bilang tugon sa patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.