-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinondena ng Marcos Hall of Justice dito sa lalawigan ang pagkakabaril-patay kay Judge Ma. Theresa Abadilla iti Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 45.

Maliban dito ay ipinaabot rin ng mga abogado ang pakikipagdalamhati nila sa pamilya na naiwan ni Judge Abadilla.

Ayon kay Atty. Savier Gacho, clerk of court ng Marcos Hall of Justice, malaking kawalan ang pagkamatay ni Abadilla.

Una nang tumanggi si Mayor Carlito Abadilla sa bayan ng Banna at kamag-anak ng napatay na judge na magkomento sa nangyari dahil shock pa rin umano sila.

Samantala, pinipilit naman na kinukuha ng Bombo Radyo Laoag ang reaksyon o plano ng mga kapatid ni Jude Abadilla na nasa Maynila hinggil dito.

Maalala na namatay si Judge Abadilla matapos barilin ni Atty. Amador Rebato, clerk of court sa mismo nitong opisina.