Nasa tamang direksyon ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa implementasyon ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na bagama’t may ilang isyung nakita sa PDP ay kasalukuyan nang inaaksyunan ito ng pamahalaan.
Aniya, kinakailangang itama ang mga ito upang masiguro na sa pagtatapos ng administrasyon ni PBBM ay makakamit ang mga target na layunin, partikular na ang pangako nitong mapababa sa single-digit level ang antas ng kahirapan.
Bahagi rin aniya ng PDP ang pagtitiyak na ang mga trabaho para sa karaniwang Pilipino ay may mataas na kalidad.
Ipinunto ni Balisacan na ang pag-unlad sa mga kanayunan at rehiyon sa buong bansa ay mahalagang aspeto ng inklusibong paglago.