-- Advertisements --

Hindi pa rin dadalo sa debateng inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) sa Marso 19 si Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang statement ay kinumpirma ito ng tagapagsalita ni Marcos na si Attorney Vic Rodriguez.

May nauna na kasi aniyang commitment para sa pangangampanya si Marcos Jr. dahilan kung bakit hindi ito makakadalo sa naturang debate.

Sinabi ni Rodriguez na ang kampo ni Marcos ay magpapatuloy sa kanilang napiling paraan ng pangangampanya na direktang pakikipag-usap sa mga tao at personal na pagtalakay sa mga tunay na isyu.

Samantala, una rito ay in-anunsyo na rin ni Davao City Mayor Sara Duterte na mangangampanya ito ng hindi dumadalo sa mga debate.

Magugunita na hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi dumalo si Presidential aspirant Bongbong Marcos sa mga ganitong klaseng kaganapan.