Nanguna sa survey ng Pulse Asia sa pagkapangulo si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Isinagawa ang survey mula Enero 19 hanggang 24 kung saan 60 percent sa mga respondents ang nagsabing iboboto nila si Marcos Jr.
Pumangalawa naman sa listahan si Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 16 percent habang kapwa mayroong 8 percent na nakuha sina Senator Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Nasa pang-apat naman si Senator Panfilo Lacson na mayroong 4 percent, pang-lima si Ka Leody de Guzman na mayroong 0.02 percent, sumusunod si Ernesto Abella na mayroong 0.05 percent at Faisal Mangondato na mayroong 0.3 percent.
Sa pagka-bise presidente ay nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nakakuha ng 59 percent, sumunod si Senate President Vicente Sotto III na mayroong 29 percent at pangatlo si Senator Francis Pangilinan na mayroong 11 percent.
Nasa pangatlong puwesto naman si Dr. Willie Ong na mayroong 5 percent habang mayroong 1 percent ang nakuha ni Deputy House Speaker Lito Atienza at 0.02 percent naman ang para kay Rep. Walden Bello.