-- Advertisements --
Hindi inalintana ng Marcos supporters ang pagbuhos ng ulan habang nagtitipon-tipon sila sa kahabaan ng EDSA nitong Sabado ng hapon.
Sa pagtaya ng mga traffic enforcers, posibleng dalawa hanggang limang libu kanina ang tao sa paligid ng People Power Monument.
Pero inaasahan pang madaragdagan ang mga ito ngayong gabi dahil weekend at walang pasok sa mga paaralan.
Bahagya namang nagsikip ang daloy ng trapiko sa nasabing bahagi ng kalsada.
Nananatili naman itong maayos at payapa, habang gumagawa naman ng iba’t-ibang aktibidad ang ilang dumayo sa venue ng rally, kagaya ng pagpapakalbo, kantahan at iba pa.