-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos na walang magiging pagbabago sa serbisyo ng Philippine Health Insurance Corp (PHILHEALTH).

Ito ay kahit na nabigyan ito ng zero subsidies ng mga mga mambabatas para sa taong 2025.

Ibinasura kasi ng bicameral conference committee ang hirit ng Philhealth na P74-bilyon subsidy para sa taong 2025.

Sinabi ng mga mambabatas na mayroon pang P600 bilyon na reserve fund ang Philhealth na hindi pa nagagamit.

Sinabi ng pangulo na kahit na mayroong zero-subsidy ang Philhealth ay hindi magbabago ang serbisyon na ibinibigay ng ahensiya.

Sa katunayan aniya ay binawi na ng Department of Finance ang ilang mga reserves ng Philhealth dahil hindi ito nagamit ng ilang taon at hindi naman naapektuhan ang operasyon ng Philhealth.

Magugunitang una ng sinabi ng PHILHEALTH na hindi apektado ang kanilang pagbibigay serbisyo kahit na nabawasan ang pondo nila.