Opisyal nang tinanggal ng Eraserheads ang ka miyembro at lead guitarist nitong si Marcus Adoro ukol sa mga akusasyon ng sexual harassment.
Ayon sa naging pahayag ni Ely Buendia, lider ng Eraserheads, sa post nito sa kanyang social media sinabi ni Ely na kanilang kinikilala ang mga akusasyong lumabas at mariin nilang kinokondena ang anumang uri ng pang-aabuso.
‘As proponents of justice, we unequivocally condemn all criminal acts and stand against abuse of any form. Above all, we seek the truth,’ ani Ely sa kanyang IG post.
Ang pahayag ay kasunod ng inilabas na pelikula ng Eraserheads na ‘Combo on The Run’, na tumatalakay sa kwento ng banda, pati na rin sa kanilang reunion concert noong 2022.
Kung kaya’t nakapag desisyon ang grupo na tanggalin muna si Marcus mula sa kanilang mga proyekto, kabilang na ang nalalapit na concert ng banda sa May 31 sa Festival Grounds sa Parañaque City.
‘As Marcus makes time to address the matter at hand, he will be stepping back from the upcoming project,” he added. “We move forward with humility and deep respect for the truth and social responsibility,’ paglalahad pa ni Ely.
Nabatid na ang mga akusasyon laban kay Marcus ay unang lumabas noong Marso sa isang social media platform kung saan isang netizen ang nag-akusa na siya umano ay ni-rape ni Marcus noon siya ay nasa high school pa lamang.
‘Wala namang tugon si Marcus laban sa mga paratang
Bukas naman ang Bombo Radyo Philippines para sa panig ni Marcus Adoro.