-- Advertisements --

Inanunsyo ng NBA na kanilang pinagmumulta ng $35,000 o katumbas ng P1.7-milyon si LA Clippers forward Marcus Morris Sr.

Sa pahayag ng NBA, ito ay dahil sa flagrant foul 2 kay Dallas Mavericks star Luka Doncic noong Game 6 ng kanilang first round playoff series.

Kung maaalala, hinampas ni Morris sa balikat si Doncic gamit ang dalawa nitong kamay matapos ang drive ng Dallas star ng 1:07 nalalabi sa first quarter ng series-closing 111-97 panalo ng Clippers.

Samantala, pinatawan din ng $15,000 o mahigit P700,000 si Doncic matapos itong ibato ang bola sa binti ng isang game official noong third quarter ng Game 6.

Nakatanggap si Doncic ng technical foul nang batuhin nito ang referee na si Billy Kennedy matapos tawagan ng offensive foul.