-- Advertisements --

Bigo ang Pinay skateboarder na si Margielyn Didal na makakuha ng ticket patungo sa finals ng 2019 World Championship sa Sao Paulo, Brazil.

Nakuntento lamang ang 2018 Asian Games gold medalist sa ika-15 puwesto sa semifinals, na nagtala ng 10.4 puntos.

Nabatis na ang mga pasok lamang sa Top 8 ang aabante sa final round.

Umusad naman sa finals sina Alexis Sablone at Mariah Duran ng United States; Pamela Rosa, Rayssa Leal, at Gabriela Mazetto ng Brazil; Yumeka Oda at Aori Nishimura ng Japan; at Candy Jacobs ng Netherlands.