-- Advertisements --
Ikinalungkot ni Japanese actress Maria Ozawa sa pagkakabiktima nito ng computer hackers.
Sinabi nito na pinasok ng hacker ang kaniyang Instagram account at binura lahat ang kaniyang mga larawan.
Sa knaiyang Facebook account, sinabi ng dating adult film actress, nagulat na lamang ito ng hindi na niya mapasok ang kaniyang IG account.
Nanghinayang ito dahil ang mga larawan niya ng mahigit na 10 taon ay nabura.
Ginagamit niya ang IG account na mayroong mahigit 900,000 na followers para sa kaniyang negosyo.
Inamin nito na kasalanan niya ang hindi paglalagay ng security code kaya ito ay napasok ng hackers.