-- Advertisements --

Nagpasok ng not guilty plea para sa kasong paglabag sa anti-dummy law si Rappler CEO Maria Ressa, makaraang basahan siya ng sakdal ngayong araw sa Pasig City Regional Trial Court Branch 265.

Nag-ugat ang kaso sa isyung pag-aari umano ng banyaga ang news agency na pinamumunuan ni Ressa.

Giit ng Rappler CEO, may sapat silang patunay na Filipino ang nagpapatakbo at nagmamay-ari sa kanilang kompaniya.

Matatandaang una nang kinansela ng Securities and Exchange Commission noong 2018 ang registration ng news agency dahil sa pagkuwestyon sa ownership issue nito.

Maliban kay Ressa, nahaharap din sa kaso sina Rappler managing editor Glenda Gloria, board members Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, Felicia Atienza, James Velasquez at James Bitanga.