-- Advertisements --

Kinasuhan ng isang lalaki ang singer na si Mariah Carey dahil umano sa paggamit ng kanta nito.

Ayon kay Andy Stone na ang Christmas hit song ni Carey na “All I Want for Christmas Is You” ay kaniyang ni-record at naging bahagi rin siya sa paglikha ng lyrics nito.

Sinabi nito na nong 1989 ay kaniyang nirecord ang kanta sa Nashville at napatugtog na ito sa mga radyo hanggang mangibabaw pa sa Billboard charts noong 1993 Christmas season.

Inilabas naman ni Carey ang music video nito noong 1994.

Iginiit pa ni Andy na hindi man lang nagpaalam si Carey na gamitin ang nasabing kanta.

Dahi dito ay humihingi si Stone ng $20-milyon na damyos sa singer.