-- Advertisements --
Inanunsiyo ng multi Garmmy award-winning singer Mariah Carey ang muilng pagsasagawa ng konsiyerto niya sa bansa.
Gagawin ang “The Celebration of Mimi” world Tour sa darating na Oktubre 14.
Bukod sa Pilipinas ay magsasagawa rin ito ng konsiyerto sa ilang bansa sa Asya.
Huling nagkonsiyerto ang multi-platinum at multi Grammy award-winning singer ay noong 2018.
Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “May All”, “Emotions”, “One Sweet Day” , “All I Want For Christmas Is You” at maraming iba pa.