Umani ng paghanga ang agaw-pansing paraan ni Mariah Carey sa patok na “bottle cap challenge.”
Ito’y matapos gamitan lamang ng 49-year-old American pop diva ng tanyag nitong “whistle note” ang nasabing trend.
Makikita sa video na nagsagawa muna ang “Thank God I’ve Found You” singer ng ilang karate moves bago bumirit at tsaka tuluyang naalis ang takip ng bote.
“This is why you are the greatest!” saad ng singer na si Jordin Sparks.
Maging ang dating celebrity husband ni Carey na si Nick Cannon ay napakomento rin kung saan tinawag nitong “Hilarious!” ang bersyon nito sa nabanggit na challenge.
Kabilang pa sa mga sikat na personalidad na sumubok sa bottle cap challenge ay sina “Your Body Is a Wonderland” singer John Mayer, “Transporter” actor Jason Statham, mixed martial arts star Conor McGregor, at iba pa.
Gayunman, pangkaraniwan ang kanilang naging paraan sa pamamagitan ng pagsipa sa target na takip ng bote.
Narito ang paglalarawan ng bbc.co.uk sa bottle cap challenge:
To try your hand (or foot!) at the challenge, you need a bottle with a lid loosely placed on top – and somebody ready to press record on their phone.
The aim is to kick the lid clean off the top of the bottle using a circular martial arts kick called a ’roundhouse’.
It might look easy but it requires a surprising amount of skill.
Ang bottle cap challenge ay pinauso ng martial arts expert na si Farabi Davletchin ng Kazakhstan kung saan pangunahing taktika ay ang spin kick.