-- Advertisements --

Isa rin sa mga naging agaw-pansin sa 70th Miss Universe coronation ang eksenang “meet and greet” ng pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez at aktres na si Marian Rivera.

Kung maaalala, nagtapos sa Top 5 si Beatrice habang kabilang sa panel of judges si Marian.

Matapos ang prestihiyosong event, nagkaharap ang dalawang Pinay at bakas ang personal na pagbati ni Marian kay Beatrice.

Mabilis na kumalat sa internet ang kanilang larawan na magkahawak ng kamay at magkayakap.

Sinasabing magkakaroon ng dinner party ang lahat ng 80 candidates sa sa Israel bago sila magsialisan ng Tel Aviv bukas, December 14.

Kahilera na ng misis ni Dingdong Dantes sa iba pang Pinoy na naging Miss Universe judge tulad nina Kuh Ledesma, Lea Salonga, Manny Pacquiao at iba pa.