-- Advertisements --

Kampanteng umalis sa bansa at ngayo’y simula na ng pag-adjust sa Israel ang aktres na si Marian Rivera.

Ito’y kasunod ng kanyang pagdating kahapon kasama ang aktor at asawang si Dingdong Dantes, ilang araw bago ang 70th Miss Universe coronation kung saan kabilang siya sa panel of judges.

Bagama’t “hands-on mother” sa dalawang anak nila ng 41-year-old actor, tiniyak naman daw niya na may mag-aalaga kay Zia na six years old na habang turning two years old pa lamang ang kanilang baby boy.

Dantes family
Marian Rivera’s IG photo

Ayon sa 37-year-old actress, secured ang dalawang anak nila ngunit sikreto na lamang kung kanino inihabilin ang pag-aalaga sa panahong nasa Israel sila ni Dingdong.

“Ayokong i-broadcast. Mahirap na. Definitely, hindi ko pababayaan yung mga anak ko… alam kong safe at secure yung mga anak ko,” wika nito sa panayam noong kumpirmahin na tinanggap niya ang alok na maging Miss Universe judge.

Sinasabing ito ang unang beses na napalayo si Marian sa mga anak, at unang biyahe niya sa labas ng bansa mula nang magkaroon ng pandemya.

Una nang nilinaw ni Rivera sa kanyang mga kritiko na magpapakatotoo siya sa sarili kung saan kikilos at magsasalita siya kung ano ang nararamdaman niya para sa big day ng Miss Universe candidates.

Kahilera na nito ang mga Filipino celebrities tulad nina Kuh Ledesma, Lea Salonga, at Pia Wurtzbach na naging judge na rin ng Miss Universe.

Pambato ng Pilipinas ay ang 26-year-oldfull blooded Pinay na si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu at tatangkain nitong masungkit ang pang-limang Miss Universe crown sa darating na Lunes, December 13.

Noong nakaraang taon, nagtapos sa Top 21 ang half Indian mula Iloilo na si Rabiya Mateo.