-- Advertisements --

LAOAG CITY – Labis ang tuwa ni Dr. Shirley Agrupis, ang presidente ng Mariano Marcos State University (MMSU) matapos maging Top 3 sa Pharmacist Licensure Examination at Top 5 sa Bar Examination ang kanilang unibersidad.

Ito ay kasabay ng pagpugay at pasasalamat ni Agrupis sa lahat nga mga bagong abogado at pharmacist lalo na kay Top 12 Bar passer Atty. Jether Corpuz.

Una rito, ipinaalam ni Dr. Agrupis na hindi maipaliwanag ang galak ng mga empleodo at lahat ng mag-aaaral dahil sa sabay na pagkamit ng unibersidad ng dalawang pagkilala matapos ang mga nasabing eksaminasyon.

Dagdag nito na sang pagtatagumpay ng istitusyon ay nagpapakita na na naisasakatuparan ang misyon ng institusyon na makapagbigay ng dekalidad na edukasyon.

Samantala, sinabi nito na lahat ng mga nakapasa sa Pharmacist Licensure Examination ay iskolar ng gobierno.

Kaugnay nito, inilahad ni Agrupis na naihahanda ang isang motorcade at espesyal na programa bilang pagkilala sa mga nakapasa sa Pharmacist Licensure Examination at Bar Examanation.

Ang Mariano Marcos State University ay nagkakuha ng 75% passing rate sa Bar Examination habang 88.24% naman sa Pharmacist Licensure Examination.