-- Advertisements --

Ibinunyag ng beteranang actress na si Maricel Soriano na dumaranas ito ng spinal arthritis na nakakaapekto sa kaniyang leeg at nagreresulta sa hirap niyang paglakad.

Nag-alala kasi ang mga fans niya sa video ng kaniyang ika-60 kaarawan kung saan inalalayan ito ng tao dahil sa hirap sa paglakad.

Sinabi nito na nagbibigay ito ng labis na sakit mula leeg hanggang paa kaya apektado ang paglakad.

Nagpapatuloy ang kaniyang gamutan kung saan mayroong steroids na itinuturok sa kaniyang spine.

Bukod pa dito ay mayroong siyang “pinched nerve” na namana mula sa mga magulang.

Ikinokonsidera nito ang pagsasailalim sa operasyon gaya ng naging payo ng kaniyang mga kaibigan.

Ginagawa niya ngayon para maibsan bahagya ang sakit ay naglalakad ito sa swimming pool.