-- Advertisements --

Dalawang taon mula nang huling mapanood sa big screen, nakatakdang sumabak si Maricel Soriano sa isang pelikula sa Hollywood.

Ayon sa kanyang handler na si Veana Fores, agad naging interesado ang “Diamond Star” nang alukin sa naturang Hollywood project.

“Yes, there was an offer and she’s interested. We’re open to do it,” ani Veana sa ABS-CBN.

Sinasabing sa Guam at Hawaii kukunan ang mga eksena na kakatampukan din ng Fil-Am actresses na sina Rain Valdez at Rachel Leyco.

Sa report ng Variety magazine kamakailan lang, gaganap umano si Maricel bilang ina ng isang transgender movie star na may sakit na cancer.

Taong 2019 nang huling mapanood sa sinehan si Soriano sa horror movie na “The Heiress” kasama sina Janella Salvador at Sunshine Cruz.