-- Advertisements --

Maging ilang local celebrities ay ipinagmalaki rin na sila ay nakaboto na.

Tulad na lamang ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, gayundin sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Chito Miranda at Neri Naig, at iba pa.

Kapwa naging emosyonal naman si Mariel Rodriguez nang iboto ang asawang senatorial candidate na si Robin Padilla, at si Jodi Sta. Maria na nag-ingat ng husto sa pagmarka ng balota upang mabasa ng machine.

Kanya-kanyan ring post ng kanilang pagboto ang young stars na sina Kathryn Bernardo, Francine Diaz at ang singer na si Maris Racal na first time voter pala.

Sa mga oras na ito rin ay nasa kanilang presinto na rin sa Quezon City si Ruffa Gutierrez para bumoto.

Nabatid na ilang artista ang “vocal” sa kanilang mga “manok” partikular sa pagka-Pangulo kung saan tampok sila sa huling Miting de Avance ng mga kandidato nitong Mayo 7.

Sa tambalan nina dating Senador “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte, nariyan sina Willie Revillame, Ai-Ai Delas Alas, Karla Estrada, Pops Fernandez, Andrew E., Brod Pete, Bayani Agbayani, Toni Gonzaga, Kris Lawrence, Aegis, at Bugoy Drilon.

Sa panig naman ng tandem nina Vice President “Leni” Robredo at Senator “Kiko” Pangilinan, tampok sina Vice Ganda, Iza Calzado, Angel Locsin, Anne Curtis, Jane De Leon, Camille Prats, Rochelle Pangilinan, Kim Chiu, Catriona Gray, Robi Domingo, Janella Salvador, bandang Ben and Ben at maraming iba pa.

Iba’t ibang banda rin ang nagtanghal kay Manila Mayor “Isko Moreno” at tandem nito sa pangunguna ng anak nitong artista na si Joaquin Domagoso, gayundin si Mocha Uson kasama ang girl group nito na Mocha Girls, dating Imago band singer Aia de Leon at iba pa.

Sa kandidatura ni Senator Manny Pacquiao, suportado siya ng pamilya Guttierez sa pangunguna nina Ruffa, Richard, Eddie at Anabelle Rama. Nagtanghal din sina Freddie Aguilar, J. Brothers, Marcelito Pomoy, Max Surban, Skusta Clee, 9K Records, Gerlyn Abano at Mitoy Yonting.