-- Advertisements --

Kinumpirma ng actress na si Mariel Padilla na ito ay namahinga sa showbiz.

Sinabi nito na nakatuon ang atensiyon niya ngayon sa kaniyang negosyo at pagpapalaki ng mga anak.

Abala ito ngayon sa online selling kung saan ito ay kahiligan niya lalo na ang pakikipag-usap sa mga tao.

Nais niyang manatili sa kanilang bahay para mabantayan ang anak nila ni Senator Robin Padilla.

Mayroong dalawang anak ang tv host sa senator na si Isabella, pitong taong gulang at Gabriela na apat na taong gulang.