-- Advertisements --

KALIBO CITY — Patuloy na inaalam ng mga otoridad sa Aklan ang pagkakakilanlan ng nag-iwan ng pake-paketeng pinaghihinalaang marijuana sa isang mall sa Kalibo City.

Ayon kay Lt. Col. Richard Mepania, hepe ng Kalibo City PNP na inaalam pa ng Philippine Drug Enforcement Agency ang kabuuang halaga ng sinasabing iligal na droga na nasabat sa kanilang operasyon.

Batay sa ulat, isang concernd citizen ang dumulog sa pulisya ukol sa paper bag na iniwang abandonado sa isang bahagi ng establisyemento.

Matapos inspeksyunin, tumambad ang tatlong transparent sachet at dalawang rolyo ng umano’y pinatuyong dahon ng marijuana.

May dalawang rectangular case din umano na may marijuana hash.

Sa ngayon sinusuri na raw ng kanilang hanay ang kuha ng mga CCTV sa lugar.