-- Advertisements --
Desidido ang Marikina City government na magsampa ng karampatang kaso laban sa drone systems operator at provider.
Ito ay matapos ang naganap na pagpapakita ng baligtad na watawat ng bansa noong closing ceremony ng 63rd Palarong Pambansa.
Ang nasabing drone show na mula sa Dronetech Philippines ay nagpakita ng baligtad na posisyon ng bandila kung saan nasa ibabaw ang kulay pula imbes na ang asul.
Humingi naman ng paumanhin ang nasabing kumpanya at inamin na hindi na nila nagawang magsagawa ng testing dahil sa sama ng panahon.