Ipatutupad na ng Marikina City ang automatic suspension ng face-to-face classes tuwing aabot sa 42°C o higit pa, ang heat index.
Ito ay matapos pirmahan ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang Executive Order no. 5 kung saan nakasaad na agad nang kakanselahin ang F2F classes kapag naabot ang naturang heat index, batay na rin sa official forecast ng state weather bureau.
Saklaw ng naturang kautusan ang mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong lungsod.
Ipinag-uutos din dito na sa halip na F2F classes, ipatutupad na ang ‘alternative learning modality’ tulad ng online class, atbpa, upang hindi mapag-iwanan ang mga estudyante.
Pinapaalalahanan din ang Schols Division Office sa naturang lungsod na gumawa ng akmang hakbang upang maibsan ang epektong dulot ng mainit na panahon, lalo na sa mga mag-aaral.
Isa ang Marikina City sa mga lungsod sa Metro Manila na nagsuspinde ng klase dahil sa mataas na heat index.