-- Advertisements --
Muling nilinaw ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na hindi mandatory ang pagsusuot ng face shield sa kanilang lungsod.
Sinabi nito na optional lamang ito at walang kaakibat na multa sa mga hindi magsusuot nito.
Inanunsiyo lamang nito ang pagsusuot ng faceshield bilang pag-iingat o dagdag na proteksyon sa mga mataong lugar.
Magugunitang hinikayat nito ang mamamayan na magsuot ng face shield sa patuloy na lumulobong kaso ng COVID-19.