-- Advertisements --

Maghaharap sa pagka-kongresista sina Marikina City Mayor Marcelino Teodoro at Sen. Auilino ‘Koko’ Pimentel III.

Unang naghain ng kandidatura si Pimentel para maging kinatawan ng 1st District ng Marikina at sinundan naman ni Teodoro.

Ayon kay Teodoro, naunsyami ang dapat sana ay alyansa nila ni Pimentel matapos ang tuluyang pagkalas ng senador sa kanilang partido noong huling lingo ng Hulyo.

Dahil dito ay wala aniyang kakandidato mula sa kanilang partido para sa naturang distrito kayat pinili ng alkalde na katawanin ang District 1.

Sa naunang panayam kay Pimentel, sinabi ng senador na nagulat siya sa pasya ni Teodoro na kakandidato sa unang distrito gayong una na siyang nagsabi na tatakbo siya sa ikalawang distrito ng Marikina