Binatikos ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang ginawang pagsuspendi sa kaniya ng Office of the Ombudsman.
Sinabi nito na malinaw na ang preventive suspension sa kanya ay malinaw na paraan para pigilan ang kaniyang kandidatura.
Malinaw aniya na may kulay pulitika ang nasabing preventive suspension at isa siyang casualty ng political persecution.
Lahat aniya ng mga kalaban niya sa pulitika ay gumawa ng paraan para masira ang kaniyang kandidatura nandiyan ang pagsampa ng reklamo sa Ombudsman, Commission on Audit, Commission on Election, Civil Service Commission at iba pa.
Kuwestiyonable ang nasabing tiyemp ng nasabing paglabas ng desisyon mula sa Ombudsman dahil sa nalalapit na ang pagsisimula ng kampanya para sa lokal na halalan.
Magugunitang kasama ni Teodoro ay pinatawan ng Ombudsman ng preventive suspension ang 19 iba pa dahil sa misallocation ng P130 milyon ng pondo mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH).
Kinabibilangan ito nina: City Accountant Erlinda Gutierrez Gonzales; City Treasurer Nerissa Calvez San Miguel; Assistant City Budget Officer Jason Rodriguez Nepomuceno; Sangguniang Panlungsod Secretary Noralyn Tingcungco.
Mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod na sina :Vice Mayor Marion S. Andres; at mga konsehal na sina: Angelito R. Nunez, Joseph B. Banzon, Donn Carlo B. Favis, Loreto F. Tolentino, Jr., Serafin Y. Bernardino, Carl Eli F. Africa, Cloyd S. Casimiro, Marife T. Dayao, Levy D. De Guzman, Romina Kate N. De Guzman at si Samuel S. Ferriol.
Base sa dokumento na nakita ng Ombudsman na mayroong sapat na ebidensiya sila.
Ang kaso ay mula sa reklamo ng isang residente ng Marikina na si Sofronio Dulay noong Mayo 15, 2024.
Nakasaad sa reklamo ni Dulay na marapat na masampahan ang mga opisyal ng paglabag sa Article 220 ng Revised Penal Code at administrative case para sa grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of service laban sa mga akusado.