-- Advertisements --
Inaprubahan ng First Division ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagkansela ng Certificate of Candidacy (COC) ni Marikina Mayor Marcelino Teodora para sa Marikina first district representative.
Ayon sa komisyon, nadiskwalipika si Teodoro dahil sa “material misrepresentation” na may kaugnayan sa kanyang residency sa Marikina. Natuklasan ng tanggapan na wala pa sa mahigit isang taon at isang buwan siyang nakatira sa naturang lugar bago siya maghain ng Certificate of Candidacy (COC) noong Oktubre.
Isa sa mga nagpasa ng petisyon para idiskwalipika si Teodoro ay si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na makakalaban niya rin para sa naturang posisyon.